TuneList - Make your site Live

Friday, December 26, 2014

THE PROBLEM WITH NEW YEAR'S RESOLUTIONS

             

               It's the end of the year again, and the beginning of another. And with the start of 2015, I'm sure most of us are already making a list of our very own New Year's Resolutions--attitudes we try to change every year.

              "I'm going to be better this year." This is the most famous summary of every New Year's Resolutions. Most people just make this happen for a span of two to three months but forget for the rest of year. (Believe me, it happens all the time.) I've made these resolutions to myself too, but I keep on coming back to my original self as time goes by. And I've noticed that so far.

               The problem with New Year's Resolutions is that we try to change something but cannot maintain it. It's like "ningas cogon", a famous a idiom in the Philippines which means that a person only has interest in a specific task but fails to maintain that interest for the rest of the day. It's like this: "I'M GOING TO CHANGE. I'M GOING TO STUDY HARDER," but in the next few days, you fall asleep while studying, and your saliva dripping from your mouth to your book.

              But, making New Year's Resolutions identify the wrongdoings that you did for the past year that you don't want to repeat for the next year. It's a list of goals, to achieve what we failed to achieve before, hoping that we reach those goals for the upcoming year.

              At the of this year, 2014, all of us may start to wonder, "Have I changed?" and recount all the things that had struck us this year. I ask that question to myself every end of the year every time I read my journals and look at an overview with all the work I did for this year. Well, I don't know if I changed. It's like asking "Describe yourself," and looking for answers based on what people perceive on you.

             One of the reasons why we can't change the things the way we want them to, is because some things never change. They are permanent; and we have no luck in achieving that change. It doesn't mean that once a new year starts doesn't mean our feelings instantly change towards others. We can't forget the people who taught us lessons, forget our feelings towards someone, or even our mistakes. But, every year is a new beginning, that is why we create New Year's Resolutions to start again, survive, and make it out of the year alive.

            As for me, I think I should make a list again for the year 2015. I stopped making New Year's Resolutions because I felt that there is no impact to me. But I congratulate all the people who were able to achieve all the list for their New Year's Resolutions this 2014. Yes, I may not have any New Year's Resolution for 2014, but many blessings had come my way, and it's some of its highlights are in this blog. :)

            Well, I hope you have a wonderful year ahead! :) Let's welcome 2015 with optimism and enjoy a new chapter of our lives. :)

P.S.
           I was wondering if our government would create a New Year's Resolution and on the top of the list would be "stop corruption"... do you think they'll be able to achieve that goal?
           
          It just crossed my mind all of a sudden. :)

             

Monday, May 19, 2014

Buhay Bundok Day 2, Part 1 :)

     Ala-sais pa lang ng umaga, gising na ako. :) Bumangon na din ang kaibigan ko, pero nakapikit siya habang nakaupo. Nye? Maya-maya, nag-toothbrush na din kami. Pagkatapos, nakita namin sa lamesa ang mga kape at ang pandesal. Dahil madami kami, madali itong naubos, kaya lumabas kami para kumain. Paglabas namin, umuulan. Pero nagpatuloy pa din kami sa paghahanap ng makakainan. Doon sana kami kakain sa kinainan namin kagabi, kaso lang sarado pa ito.

   Sa lugar na ito, kokonti lang ang kainan. Sa Maynila, kabi-kabila ang mga carinderia. Doon bukas na ang mga carinderia ng ganitong oras kahit umuulan at kahit weekend. Dito, matagal magbukas ang mga carinderia. Pero mabuti na lang at nakakita na kami ng bukas na lugawan. Habang kumakain kami, bigla namang lumakas ang ulan. Binagalan pa namin ang kain namin dahil hinihintay namin na tumila ang ulan.

   Maya-maya, umalis na kami, baka hindi kami makaabot sa call time. Umaambon na lang nung lumabas kami. Pero malakas pa rin ung daloy ng tubig pababa, kaya nabasa din ang aming mga paa. Nag-aayos na ng mga gamit ang mga kaklase namin nung bumalik kami. Hindi ako masyadong nag-apura dahil naayos ko na yung mga gamit ko kagabi pa, bago ako matulog.

   Nag-toothbrush na lang ako ulit, at nagbanyo. Mahirap na kapag sa bundok ka pa inabutan. :)

    Makalipas ang isang oras, dumating na ang mga kabayo na magdadala ng mga gamit namin. Lahat ng malalaki naming bag nakalagay sa garbage bag para hindi mabasa ng ulan at ng tubig-ilog. Habang pinapanood namin ang mga kabayo, naaawa kami dahil sa dami ng dala nito, pero sabi ng aming professor, sanay daw ang mga kabayong ito sa mga mabibigat na karga. Medyo nahirapan din ang mga magbubuhat na ilagay sa mga kabayo ang mga gamit namin dahil sa dami nito.

Ang dami niyang karga. :( 

    Naglakad lang kami papunta sa bundok. Una naming nadaanan ang tulay na ito. Kapag nakatayo ka dito, makikita mo ang mga bundok mula sa malayo, at ang payapa tingnan, kahit makulimlim. :)


    Syempre di mawawala ang selfie :D Wagi ang plastic na lalagyan ko ng camera! At sa sipit na galing pa sa sampayan namin. :D Para-paraan din para di mabasa. :)) Survival daw eh. :D

    Papasok na kami! :D Bring it on. :))

Brgy. Apasan. :) 

Another selfie. :) LOL :D

    Dahil maulan, maputik ang daan kaya dito na lang kami sa gilid dumaan, tapos bumungad samin ang nagtataasang puno ng niyog at ang one-way na daan. Ito na ang simula, at nakapasok na kami sa gubat. Hindi nagtagal, nakita na namin ang unang ilog na tatawirin namin. Oo, 1 out 6 rivers. :)) Extra challenge ang peg! Will cross the river in 3, 2... 1!

Matindi tong kaklase ko, naka-rubber shoes pa. :)

     Madali lang sana tumawid sa mabatong ilog, kung wala kang dalang camera. :( Pero nakayanan naman namin, kahit pagewang-gewang na kami masipaglakad. :) At mabuti na lang hindi malakas ang current ng ilog na ito, kaya medyo, MEDYO (hahaha) madali ang aming pagtawid. :) Hindi pa ito ganun kalalim, lampas lang konti sa paa ang tubig. :)

Madulas ang mga bato! Dahan-dahan dapat. :)

    Dahil kuha ako ng kuha ng mga litrato, napagiwanan na ko ng panahon. :( Nasa bandang dulo na ko, habang ang bibilis ng mga kaklase ko. Kasama ko sa likod ang aming prof. :) Samantalang nasa unahan ng aming pila si Kuya Topalits, ang aming guide. :) Pagkatapos naming tumawid sa ilog, bumungad samin ang isang malawak na palayan, at ang malawak na kagubatan sa malayo. (Makata alert. :D)

Ilang ektarya kaya ito?

    Makalipas ang ilang mga hakbang, mga batong madulas at maputik na daan, napadpad na naman kami ulit sa gubat. As usual, maputik pa rin ang daan, at proud na proud ako sa sarili ko kasi wala pang bahid ng putik ang mga paa ko! YES. :) Puro nga lang buhangin ang nasa paanan ko na galing sa ilog, pero ayos lang. :) At least, walang putik. :D Mahirap kasi alisin ang putik kapag natuyo. :)

Yours truly. :) Yung Camp-Half Blood talaga sinuot ko para kunwari demigod. LOL

    Hindi rin matagal yung paglalakad namin nung makarating sa susunod na ilog. :) Dito naman sa ilog na ito, mababaw ang tubig sa simula, pero lumalim din at naging lampas-tuhod na ang tubig. :)


Ito sila, at ganito ang style namin ng pagtawid sa ilog para di ma-out balance ang bawat isa. Hello sa camera ni classmate! :)

Ito naman kami, kulelat na. :( Di kami pwede sa Amazing Race. HAHAHA :D At least naabutan namin sila. :D

Hello, Kuya Topalits and friends!

     Napansin niyo ba na magkaiba na yung kulay ng tubig sa banda ron? Dito kasi sa kinatatayuan ko mabuhangin ang ilalim ng parte ng ilog, samantalang dun sa side na yun, malalaking bato na ang nasa ilalim, kaya malinaw ang tubig doon. :) 

    Hassle din umakyat papunta ulit sa gubat dahil may extra challenge na ang mga madudulas na bato, may LUMOT na sila! :( At wag nating kakalimutan ang mga camera namin. :( Na-out balance nga ko sa bandang gitna at nagkanda-dulas dulas pa sa mga bato. :( Bigyan ng Lampa Award! :( Pero, ituloy natin 'to, survival ito, diba? :)

    Itong parte ng gubat na ito ay masyado nang maputik, kaya extra ingat ako para wala akong bahid ng putik. Goal ko kasi na hindi mabahiran ng putik, yung mga kaklase ko wala pang bahid ng putik eh. :D Ang gagaling nila. :D 

    Habang nag-e-eksperimento ako, at naghahanap ng lugar na medyo hindi maputik, nakakita ako ng isang maliit na daan na kapag dumaan ka doon at umikot ka, sa main road din ang labas mo. Nakikita ko na matigas ang aapakan, kaya doon ako pumunta. Sumunod naman sakin ang mga kaklase ko. :) Pero sumisigaw ang prof ko na wag daw akong dadaan dun, pero tinuloy ko pa din. 

    Kaya pala. Pagkaapak ko sa napagkamalan kong matigas na lupa, kumpol pala ng dumi ng kabayo. At ang dami pa sa unahan. Para talaga siyang lupa na natabunan lang ng putik. Sa kasamaang palad, nalublob ko yung paa ko. Umaatras bigla yung mga kaibigan ko at tinawanan ako. Tumawa na lang din ako ng bahagya kahit nababadtrip na ko sa paa kong nalublob sa buong sangkataihan. Dito pala dumadaan ang mga kabayo papunta sa puso ng gubat. Tae naman o.

     Natawa din sakin ang prof ko, kaya tumawa na din ako dahil sa katangahan kong dumaan dun. Sana pala nakinig na lang ako sa kanya. :( So, asa main road kami ulit at doon ako dumadaan sa mga kaputikan para man lang mapalitan ang putik ng mga tae ng putik na malinis. :) HAHAHA! Irony. :))

Sige sa mantsa! :D Putik na malinis na yan. HAHAHA!

Ang tinatawag kong main road. :) Maputik to da max. :) Ang daming nagkalat na niyog..

    Nagpatuloy kami sa paglalakad sa maputik na gubat. :) Nadaanan pa namin ang bahay at ang balon na ito. Wow, di ko inaasahang may makikita akong ganito dito. 



     Medyo matagal pa ulit bago kami nakarating sa susunod na ilog. Sa ilog na ito, sobrang lakas na ng current at kayang kaya na kaming tangayin. Wala kong kuha dito dahil baka matangay ako pag sinubukan ko pa. :) At least nalinisan na ang paa ko. HAHAHA! Nawala na nga sa isip ko ang kadugyutan. :) Pagka-ahon namin, ganun pa rin ang nagyari, nalublob pa rin ako sa putikan. Pero feel na feel ko na ang malublob sa putikan, ibig sabihin ito ang tatak ng hirap naming umakyat sa bundok. (emote.) HAHAHA! :)

    Samantala, malayong-malayo na kami sa mga kaklase namin. Ang tagal at ang layo pa ata ng pupuntahan namin. Ilang oras na kaya kaming naglalakad? Pare-parehas kaming walang orasan. :)

Ang layo na nilaa!

    Ito na ang huling ilog na tatawirin namin. Dito, napawi ang pagod namin nang makita namin ang asong ito. :)) Nag-iisip pa kami paano tatawid ang aso, hindi naman siya kinarga ng amo niya. Pero lumangoy siya sa ilog! :) Tuwang-tuwa kami eh. :) Naunahan pa kaming nagsisitawid sa ilog. :) 


     Mula sa ilog, isang malawak na lupa ang bumungad samin. Pero, dadaan muna kami sa tanimang ito. Hindi ko alam kung ano ang mga tanim dito, pero mahirap din dumaan. Tumatama sa binti at hita namin ang mga sanga at mga dahon, at mahaba din ang tanimang ito. Nakapagselfie pa kami habang tumatawid. HAHAHA! Pagkatawid namin, medyo nakahinga kami ng malalim at sabay-sabay pang nag-wooooo!


    Ang malawak na lupa na ito ay dinala kami sa madulas na daan pababa sa isang maliit na daan, one-way. Ang daan na ito ay saksakan ng dami ng lumot, kaya sobrang dulas din nito. Ingat na ingat kami bumaba, dahil kapag isa ang nadulas, parang domino effect, at dire-diretso kami sa mabatong ilog. Nagulat kami ng kaibigan ko nang madulas ang isa sa mga kaklase ko na asa harap lang namin. 


Ganito kasikip ang aming dinaanan. Yung kinatatayuan namin ng kaklase kong babae ay madaming lamok, pero nakuha pa naming mag-picture. :D Ang kaklase ko namang naka-brown, tumungtong na doon sa gilid
na medyo mataas para hindi siya lamukin, pero isang maling hakbang lang niya, sa mabatong ilog ang diretso niya. Delikado ang ginagawa niya, pero nakatawid naman siya. :)

    Mabuti na lang at nakakapit siya at nahawakan siya ng isa pa naming kaibigan sa harap niya. Nakabalanse siya sa ulit, saka nagpatuloy sa pagbaba. 

    At sa wakas! Nakarating na kami sa tatayuan namin ng camp namin. :) Dead end na rin naman na ito, dahil may kweba doon sa unahan. Hindi ko na nakuhaan ang buong lugar, dahil nag-agawan kami sa tubig na ito na nagmula pa sa bundok. :)


    Pumwesto na kami at nagsihugas na ng paa. :) Pagkatapos, umupo kami sa isang trunk ng puno na nakatumba na upang magpahinga. Pagod na pagod kaming lahat, pero nakuha pa rin naming magkwentuhan. :) Ang dalawang kaklase kong babae, nagkikiskis ng bato para magkaroon ng apoy, para maluto ang aming ulam. 

Pahinga, pero smile pa! :D

Sabi ni Sir, may gagawin pa daw kami pagkatapos kumain. Ano kaya yun? Kain muna kami! :)

Photo courtesy of my classmate :)

KAINAN NA! :)

Tuesday, May 6, 2014

Buhay-Bundok Day 1. :))

       Hindi muna kami dumiretso sa bundok sa unang araw namin. :) Bumiyahe kami ng pagkalayo-layo bago kami umakyat ng bundok. :) Siguro, Buhay-Lakbay muna dapat ito. :D

       Sobrang aga ko nagising dahil kinakabahan ako baka ma-late ako. Ang call time pa naman 7:00 am so, kailangan talaga bumangon agad. Handang-handa na ko mamuhay sa bundok ng dalawang araw! Maka-survive kaya 'ko?

      Mga ilang linggo lang ang nakakalipas mula nung manggaling kami sa Sagada, tapos ngayon sa Sierra Madre Mountain Range naman! Sarap ng buhay :D Maraming daan papasok ng Sierra, pero sa Quezon kami papasok. :) Excited ako na kinakabahan. Hahaha!

     Dumating ako sa kitaan namin sa SM Sucat ng sakto 7:00 am, pero tatatlo pa lang kami ng mga kaklase ko. Filipino time nga naman. Sabagay, maaga pa naman at wala pang traffic, kaya mabilis lang silang makakarating. Nang makumpleto na kami, tinawag kami ng aming prof sa dalawang malaking van. Since hindi kami magkakasya, naghiwalay kaming magkakaklase.

    Mahaba-haba din ang byahe, at di naman naging boring. :) Una, mabait at makwento ang driver namin, pangalawa ang modern ang mga kanta! Sabay-sabay pa kaming kumanta ng 'Lord, patawad..'. Tindi nung driver namin sa history, kapag may tinatanong kami, ang bilis niya sumagot! Saludo ako kay manong driver. :) Pwede na siya maging co-host ni Lourd. :)

    Sa haba ng biyahe, nalagpasan na ata namin ang buong probinsya ng Laguna matapos ang una naming stopover. Joyride! Pero dapat naming tandaan na kaya kami pupunta sa bundok ay para sa experience. Sa trabaho namin, may ganun talaga. At saka, may gagawin pa kaming article tungkol doon pagkauwi namin. :(

    May mga times na naiwan na kami nung isang van. Ang bilis magpatakbo nung isang driver, kaya ayun nag-overheat yung kotse nila nung paakyat na kami ng Quezon. Biglaang stopover sa kung saan kaya nagpicture picture muna kami. :)





     Maya-maya tumigil kami sa tapat ng isang bahay na may mga tindang woven bags. Maliit ang lugar na yun, pero nagsipasok kaming lahat. Pinakita din kasi sa amin paano gawin ang mga ganung bag. Ayon sa gumagawa, ang mga dahon ng pandan na ito ay aalisan muna ng tinik, lilinasin, palalambutin at ibibilad. 

Ito yung ginagamit para lumambot ang mga dahon. :) 

Dahon ng Pandan. :) 

    Matagal nga daw palambutin ang mga dahon at aabutin ng isa't kalahating oras. Pero kahit na matagal, maganda naman ang kinalabasan. :) Eto na, chaaraan! :)



      Mabibili ang mga ito sa halagang 20-35 pesos. :) Murang mura! :) Pag-uwi na lang ako bibili, para di hassle sa pagbitbit, ang dami pa naman naming dalang gamit. :(

     Makalipas ang ilang minuto ng biyahe, nag-stop over kami ulit sa Lucban para mananghalian. Tumigil yung van namin sa isang restaurant. Iniisip ko na dito na kami kakain, at ayoko nang maghanap pa ng iba pang makakainan dahil nagugutom na rin ako. Pagkabukas ko ng pinto, nakita ko ang isang poster ng Spot.ph sa pinto na napili nila ang restaurant na ito sa sarap ng pagkain. Ito ang Buddy's restaurant, na matatagpuan sa Lucban, Quezon at isa sa mga must-try restaurants dito. (Pwede na ba kong food tour guide? LOL) 
Ayun yung poster sa pinto, ung may kulay red, sa Spot un. :D

      Maganda at maliwanag sa loob, at halos lahat ng palamuti ay gawa sa kahoy. :) Pinoy na Pinoy! :) Samantala, habang ako ay nagmamasid, umorder na yung kaibigan ko ng Pancit Lucban, na good for 4 persons. Tatlo lang kami sa barkada namin, so, sana makayanan namin ito. :D Ang order ng iba naming kaklase ay Pancit Lucban din, pero may bumili din ng longganisa. 

Selfie muna habang hinihintay ang masarap na pansit! :) 

Introducing, ang Pansit Lucban! :) Kainan na! 

    Nag-enjoy ako sa suka na hinahalo sa pansit na may bawang at paminta. :) Sa mga mahilig naman sa maanghang, may separate na suka na ganun din ang laman, ngunit may kasamang siling labuyo. :) Nabusog ako ng sobra! :) Babalikan ko ang Buddy's Restaurant pag nagawi kami ulit sa Quezon. :) 

   Binigyan kami ng oras ng aming professor na maglibot-libot sa Lucban. :) Naagaw ng aking atensyon ang monumentong ito na nasa gitna ng isang parke. Malinaw lang sakin yung '1561', so iniisip ko na ang monumentong ito ay itinayo sa taong 1561. Hindi ko maintindihan ang mga salita kasi nakasulat sa Espanyol. :) Kinuhaan ko na lang ito ng litrato para may souvenir naman ako. :)


    Pagkatapos, naglakad kami papunta sa simbahang ito. :)) Naka-sampung na kuha ako bago ko makuha ang tamang lighting. :( Ayon sa aming professor, ang simbahang ito ang pinakamatandang simbahan sa Lucban. :)) Kitang kita naman sa facade ng simbahang ito ang kasaysayan nito.  :)


I was here. :D

    Ito ang simbahan sa loob (pasensya na kung medyo malabo). Napakaganda ng disenyo at kitang kita ko na naalagaan ito ng husto ng mga tiga-rito. Agaw-atensyon ang work of art na ito sa loob ng simbahan. :) Panahon ng pista ang ginawang tema nito, at ito ang Pahiyas Festival. :) Dito ko rin nalaman na ang kanilang patron ay si San isidro Labrador. :) 




     Naka-display ang mga larawang ito sa loob din ng simbahan. :) Alam niyo, bilib na bilib ako sa mga taong nakapagtatago ng mga litratong ganito, lumang-luma na, at maraming kasaysayan na ang nasaksihan. Gayunpaman, buong-buo pa ang mga ito at malinaw pa ang mga pangyayari na tumatak sa kasaysayan ng Simbahan ng Lucban. :)

Ang Simbahan ng Lucban noong taong 1956. :) 

"Mga batang nag-a-aral ng Catecismo". Napakadami nila! :)


Siguro ito yung unang misa na ginanap sa simbahang ito. :)

      Nagdasal din ako bago ako umalis. :) Tahimik na tahimik sa loob kaya ramdam na ramdam ko din ang pagiging solemn. :) Pagkalabas namin ng simbahan, umaambon na, pero humabol pa ako ng ilang mga kuha bago kami umalis. :) 


Ito na yung pinakamatino kong kuha sa labas ng simbahan. :))

Depth of field. :) 

      Hindi rin naman ganun kalayo ang mga sumunod naming biyahe. :) Ang sunod naming pinuntahan ay ang Kamay ni Hesus. :) Sabi ng kapatid ko na nakapunta na dito dati, sobrang taas daw at talagang mararamdaman mo ang penitensya. Ngayon,
mapapatunayan ko ang sinabi niya. :) 

    Whew! Ang layo! Natatanaw ko pa lang ang malaking Panginoong Hesus nararamdaman ko na ang penitensya. Napaaga ang aming Semana Santa, at ako ay natuwa dahil makakapagdasal kami bago kami sumabak sa buhay bundok. :) Alam ko rin, na makakarating ako sa tuktok. :) All you need is faith. :)

All you need is faith. :)

      Bago ka makarating mismo sa tuktok, dadaan ka muna sa Garden of Eden. :) Dito, maraming nakadisplay ng iba't ibang klase ng hayop, at makikita mo ang malinis na paligid. At dito pa lang sa bungad, solemn na solemn na. :) 





     Sa bandang kanan naman, makikita ang Noah's Ark. :) Hindi na ako nakalapit dahil gusto ko nang umakyat sa Kamay ni Hesus. :) Kinuhaan ko na lamang ito ng litrato mula sa malayo. :)


    Ang simula ng penitensya. :) Umaakyat na kami! :) Nakikita mo ba ang mga mukhang yan? Mamaya puro pawis na yan. :)) Madali pa sa una dahil hindi pa mataas ang mga hakbang, kaya medyo mabilis pa kaming nakakaakyat. :)
Ang simula ng aming penitensya.

    Makalipas ang ilang pag-akyat namin, at dadalawang baitang pa lang ata naiaakyat namin, nakita ko na parang asa 1/8 pa lang kami! Ang layo pa! Dagdag challenge pa ang mga baitang na may mga madudulas na bato, at saktong sakto pa na katatapos lang umambon. :(

Hindi ko pa nakikita si Hesus na nasa tuktok ng bundok. :( 

     Oo, asa pangalawang baitang pa lang kami nito, dahil natatandaan ko ang maliit na fish pond na ito na sobrang linaw ng tubig. :) At! Dito ko rin nakita ang plakang ito, kung kailan naipatayo ang Kamay ni Hesus. :) 


    Pagliko ko, natatanaw ko na ang malaking Hesus sa dulo. :) Pero kailangan pa namin dumaan sa 14 Stations of the Cross, bago makarating sa dulo. :) Hangang-hanga ako sa nakaisip nito. :) 


   Ang mga imahen na ito ay life-size, at maganda rin ang pagkakagawa. :) Para po sa inyo, inupload ko din ang bawat isang station para mahikayat din po kayong pumunta dito. :) Solemn na solemn po ang lugar at makapagdadasal po kayo ng mataimtim. :) Narito po ang lahat ng Stations of the Cross. :)) 

















     Makalipas ang ilang oras, sa wakas! Nakarating din ako sa tuktok! :) Sulit na sulit ang paghihirap ko dahil nakarating ako sa Kamay ni Hesus. :) Tagaktak din ang mga pawis ko pagkaakyat. :) 

    Samantala, napakaganda rin ng view dito, dahil kitang kita mo ang buong Quezon! :) Napakapayapa dito sa itaas at ako'y nanalangin na rin. :) 

Tingin ko kita ko na rin ang Sierra Madre mula dito. :)) 

I'm on the top of the world, living down on creation and the only explanation I could find~ :D

     Pagkatapos naming magdasal, bumaba na din kami. :) Hindi rin naging madali samin ang bumaba dahil (a) nakakalula; at (b) madulas ang mga bato. Naisip ko, paano kaya kung nagkamali ka ng hakbang, edi dire-diretso ka sa ibaba. Huminga na lang ako ng malalim at hindi ko na lang yun inisip. 

     Nang makarating na kami sa baba, nadaanan namin palabas ang "Pieta". :) Nanalangin ako uli bago magpatuloy. Pagkatapos namin doon, bumili kami ng mga kandila at nagdasal. :)

Taimtim kaming nagdarasal ng aking kaibigan para sa aming mga kahilingan.

Pagkatapos ko magdasal, kinuhaan ko ng litrato ang aking mga kandila, na sumisimbolo sa aking mga kahilingan. :)

     Sa exit ng Kamay ni Hesus, makikita mo si Angel Michael na tinatapakan ang isang demonyo. :) Sa tingin ko, parang pinapakita dito na, nakahingi at napatawad na kami ng Panginoong Hesus sa aming mga kasalanan. :)

    After all the struggle and hardship, God has blessed all of us in this trip; that He will guide and save us from all danger. We just have to remember to always put God first in everything we do, and that all we ever need is faith. :)

---------

    Basang-basa kami pagkasakay namin ng van. Naghalo na ang ambon at ang pawis namin. Sinubukan kong matulog pero hindi ako nakatulog. :( Medyo may katagalan ang biyahe dahil kailangan namin mag-ingat at madulas ang kalsada, at saka malayo pa ang Sampaloc. Nag-emote na lang ako at tumingin sa malayo, tutal bukas din naman ang bintana. :) Buti pa yung mga kaibigan ko nakatulog. :( Hindi nagtagal, nagtanong na lang ako ulit kay Kuya Rodel tungkol sa landmarks, at sa daan na aming tinatahak. :)

  Hapon na nang makarating kami sa bahay ng aming professor. :) Dito kami matutulog ng isang gabi bago sumabak sa buhay bundok. :) Pagkarating namin doon, nagpahinga muna kami tapos nag-selfie. :)

Class picture!

Smile! :D

Selfie selfie din habang nagpapahinga. :D 

     Pinag-usapan na rin namin ang mga kakainin at uulamin namin sa bundok. :) Na-excite ako bigla. :) Pagkatapos ng dalawang oras na pamamahinga, lumabas ang ilan sa amin para mag-explore. :) Hindi ko nakuhaan ang bahay ng professor namin, pero itong daan lang nakuhaan ko. :)


      May isang KFC sa school namin na kung tawagin ay (Kikiam, Fishball, Calamares). :) Yun nga lang, mas maraming variety ng street foods ang tinda ni ate dito. :) Nakaagaw pansin sakin yung Chicken Balls, at nang matikman ko, naka-bente pesos ako. :) Gusto ko sanang kuhaan ang mini-KFC ni ate pero lumalakas na yung ambon. :( Napansin ko na sobrang dilim ng langit at mukhang malakas na ulan ang dadating. Tinanong ko siya kung madalas bang bumabaha sa lugar na ito. Sabi niya, minsan lang daw dahil pababa
naman ang daan. Yun nga lang, yung mga nakatira sa baba ng daan ang madalas bahain. :)


   Ang inaasahan kong malakas na ulan ay hindi natuloy, at ambon lang ang inabot namin. Naka-tyempo pa kami ng bahaghari. :)

Ito nga pala ang kanilang city hall dito. :)) Teka, kita ba yung bahaghari? :) 

     Hindi ko nabanggit na yung pamilya ng aming professor ay nagmamay-ari ng cable sa lugar nila. Kaya nung kinagabihan, nakita ko ang buong klase namin na flash sa TV. :) Kanya-kanya kaming picture sa class picture namin na na-televise. :D Bongga! :D 

Future! <3

     Nung kinagabihan, kumain kami sa labas. :) Ang iba sa amin, kumain sa lugawan. Kami naman, nakita namin ang carinderia na ito. :) Nakakita kami ng hotdog na iniihaw, kaya lahat kami nagsi-order ng hotdog. Sa kasamaang palad, anim na hotdog na lang ang natitira kaya todo lista yung kaklase ko at nagkaroon siya bigla ng sideline. :)) Hahaha! Tig-iisa kami ng hotdog, tapos isang stick ng barbecue. :) Sa mga hindi pinalad makakuha ng hotdog, nag-barbecue na lang sila. :))


Nag-selfie muna kami habang hinihintay namin ang aming order. :D

    Sulit din ang aming hapunan dahil may libre ding sabaw. :D Bumili na rin ang ilan sa amin ng Coke para mabusog talaga ng husto. :) Natahimik ang buong lamesa namin dahil gutom kaming lahat. :) 

   Pagkauwi namin, pumila na kami sa mga maliligo para bukas hindi na magtarantahan. :) Maaga din kasi ang call time bukas, 7:00 am, so wala na kaming chance para maligo. Habang naghihintay, nagkwentuhan at nagtawanan muna kaming magkakaklase. :) Kanya-kanya kaming buskahan, samantalang ang iba, unti-unti nang inaantok. :)) 

   Bago ako matulog, nag-rosary muna ako, para sa kaligtasan naming lahat. :)) Mabuti din na nakatulog ako agad, di gaya nung sa Sagada, nagbilang pa ako ng oras bago ako makatulog. :( Nagising ako mga bandang madaling araw, dahil nagtatawanan pa yung iba kong mga kaklase, at naputukan daw ng Choco-choco sa mukha yung isa kong kaklase, pero nakatulog din ako ulit. :) Halatang di pa sila makatulog. :) Nagtatakutan pa nga eh. :) Since patay na ang ilaw, umaasa na lang sila sa flashlight. Hahaha =))

   Paputol-putol din ang tulog ko dahil nagising din ako sa kaibigan ko na dinaganan ako. :)) Sa kasamaang palad, naiihi pa ako sa mga oras na iyon at hindi ako makabangon. :)) Pagtingin ko sa orasan ko sa cellphone, alas dos pa lang ng madaling araw. :(  Maya-maya nagising din siya at kinwento ko sa kanya na dinaganan niya ako at nagtawanan kaming dalawa. :)) Pigil na pigil ang tawa namin dahil baka batuhin kami nung mga kaklase naming naghihilik na. :) HAHAHA! Nag-charge kami ng mga cellphone namin para bukas, bago natulog ulit. :)) Alam mo naman sa bundok, walang charging station. :))

Handang-handa na ako sa survival mode namin bukas!! :)) Buhay-bundok na ituuu! :D