Sa lugar na ito, kokonti lang ang kainan. Sa Maynila, kabi-kabila ang mga carinderia. Doon bukas na ang mga carinderia ng ganitong oras kahit umuulan at kahit weekend. Dito, matagal magbukas ang mga carinderia. Pero mabuti na lang at nakakita na kami ng bukas na lugawan. Habang kumakain kami, bigla namang lumakas ang ulan. Binagalan pa namin ang kain namin dahil hinihintay namin na tumila ang ulan.
Maya-maya, umalis na kami, baka hindi kami makaabot sa call time. Umaambon na lang nung lumabas kami. Pero malakas pa rin ung daloy ng tubig pababa, kaya nabasa din ang aming mga paa. Nag-aayos na ng mga gamit ang mga kaklase namin nung bumalik kami. Hindi ako masyadong nag-apura dahil naayos ko na yung mga gamit ko kagabi pa, bago ako matulog.
Nag-toothbrush na lang ako ulit, at nagbanyo. Mahirap na kapag sa bundok ka pa inabutan. :)
Makalipas ang isang oras, dumating na ang mga kabayo na magdadala ng mga gamit namin. Lahat ng malalaki naming bag nakalagay sa garbage bag para hindi mabasa ng ulan at ng tubig-ilog. Habang pinapanood namin ang mga kabayo, naaawa kami dahil sa dami ng dala nito, pero sabi ng aming professor, sanay daw ang mga kabayong ito sa mga mabibigat na karga. Medyo nahirapan din ang mga magbubuhat na ilagay sa mga kabayo ang mga gamit namin dahil sa dami nito.
Ang dami niyang karga. :(
Naglakad lang kami papunta sa bundok. Una naming nadaanan ang tulay na ito. Kapag nakatayo ka dito, makikita mo ang mga bundok mula sa malayo, at ang payapa tingnan, kahit makulimlim. :)
Syempre di mawawala ang selfie :D Wagi ang plastic na lalagyan ko ng camera! At sa sipit na galing pa sa sampayan namin. :D Para-paraan din para di mabasa. :)) Survival daw eh. :D
Papasok na kami! :D Bring it on. :))
Brgy. Apasan. :)
Another selfie. :) LOL :D
Dahil maulan, maputik ang daan kaya dito na lang kami sa gilid dumaan, tapos bumungad samin ang nagtataasang puno ng niyog at ang one-way na daan. Ito na ang simula, at nakapasok na kami sa gubat. Hindi nagtagal, nakita na namin ang unang ilog na tatawirin namin. Oo, 1 out 6 rivers. :)) Extra challenge ang peg! Will cross the river in 3, 2... 1!
Matindi tong kaklase ko, naka-rubber shoes pa. :)
Madali lang sana tumawid sa mabatong ilog, kung wala kang dalang camera. :( Pero nakayanan naman namin, kahit pagewang-gewang na kami masipaglakad. :) At mabuti na lang hindi malakas ang current ng ilog na ito, kaya medyo, MEDYO (hahaha) madali ang aming pagtawid. :) Hindi pa ito ganun kalalim, lampas lang konti sa paa ang tubig. :)
Madulas ang mga bato! Dahan-dahan dapat. :)
Dahil kuha ako ng kuha ng mga litrato, napagiwanan na ko ng panahon. :( Nasa bandang dulo na ko, habang ang bibilis ng mga kaklase ko. Kasama ko sa likod ang aming prof. :) Samantalang nasa unahan ng aming pila si Kuya Topalits, ang aming guide. :) Pagkatapos naming tumawid sa ilog, bumungad samin ang isang malawak na palayan, at ang malawak na kagubatan sa malayo. (Makata alert. :D)
Ilang ektarya kaya ito?
Makalipas ang ilang mga hakbang, mga batong madulas at maputik na daan, napadpad na naman kami ulit sa gubat. As usual, maputik pa rin ang daan, at proud na proud ako sa sarili ko kasi wala pang bahid ng putik ang mga paa ko! YES. :) Puro nga lang buhangin ang nasa paanan ko na galing sa ilog, pero ayos lang. :) At least, walang putik. :D Mahirap kasi alisin ang putik kapag natuyo. :)
Yours truly. :) Yung Camp-Half Blood talaga sinuot ko para kunwari demigod. LOL
Hindi rin matagal yung paglalakad namin nung makarating sa susunod na ilog. :) Dito naman sa ilog na ito, mababaw ang tubig sa simula, pero lumalim din at naging lampas-tuhod na ang tubig. :)
Ito sila, at ganito ang style namin ng pagtawid sa ilog para di ma-out balance ang bawat isa. Hello sa camera ni classmate! :)
Ito naman kami, kulelat na. :( Di kami pwede sa Amazing Race. HAHAHA :D At least naabutan namin sila. :D
Hello, Kuya Topalits and friends!
Napansin niyo ba na magkaiba na yung kulay ng tubig sa banda ron? Dito kasi sa kinatatayuan ko mabuhangin ang ilalim ng parte ng ilog, samantalang dun sa side na yun, malalaking bato na ang nasa ilalim, kaya malinaw ang tubig doon. :)
Hassle din umakyat papunta ulit sa gubat dahil may extra challenge na ang mga madudulas na bato, may LUMOT na sila! :( At wag nating kakalimutan ang mga camera namin. :( Na-out balance nga ko sa bandang gitna at nagkanda-dulas dulas pa sa mga bato. :( Bigyan ng Lampa Award! :( Pero, ituloy natin 'to, survival ito, diba? :)
Itong parte ng gubat na ito ay masyado nang maputik, kaya extra ingat ako para wala akong bahid ng putik. Goal ko kasi na hindi mabahiran ng putik, yung mga kaklase ko wala pang bahid ng putik eh. :D Ang gagaling nila. :D
Habang nag-e-eksperimento ako, at naghahanap ng lugar na medyo hindi maputik, nakakita ako ng isang maliit na daan na kapag dumaan ka doon at umikot ka, sa main road din ang labas mo. Nakikita ko na matigas ang aapakan, kaya doon ako pumunta. Sumunod naman sakin ang mga kaklase ko. :) Pero sumisigaw ang prof ko na wag daw akong dadaan dun, pero tinuloy ko pa din.
Kaya pala. Pagkaapak ko sa napagkamalan kong matigas na lupa, kumpol pala ng dumi ng kabayo. At ang dami pa sa unahan. Para talaga siyang lupa na natabunan lang ng putik. Sa kasamaang palad, nalublob ko yung paa ko. Umaatras bigla yung mga kaibigan ko at tinawanan ako. Tumawa na lang din ako ng bahagya kahit nababadtrip na ko sa paa kong nalublob sa buong sangkataihan. Dito pala dumadaan ang mga kabayo papunta sa puso ng gubat. Tae naman o.
Natawa din sakin ang prof ko, kaya tumawa na din ako dahil sa katangahan kong dumaan dun. Sana pala nakinig na lang ako sa kanya. :( So, asa main road kami ulit at doon ako dumadaan sa mga kaputikan para man lang mapalitan ang putik ng mga tae ng putik na malinis. :) HAHAHA! Irony. :))
Sige sa mantsa! :D Putik na malinis na yan. HAHAHA!
Ang tinatawag kong main road. :) Maputik to da max. :) Ang daming nagkalat na niyog..
Nagpatuloy kami sa paglalakad sa maputik na gubat. :) Nadaanan pa namin ang bahay at ang balon na ito. Wow, di ko inaasahang may makikita akong ganito dito.
Medyo matagal pa ulit bago kami nakarating sa susunod na ilog. Sa ilog na ito, sobrang lakas na ng current at kayang kaya na kaming tangayin. Wala kong kuha dito dahil baka matangay ako pag sinubukan ko pa. :) At least nalinisan na ang paa ko. HAHAHA! Nawala na nga sa isip ko ang kadugyutan. :) Pagka-ahon namin, ganun pa rin ang nagyari, nalublob pa rin ako sa putikan. Pero feel na feel ko na ang malublob sa putikan, ibig sabihin ito ang tatak ng hirap naming umakyat sa bundok. (emote.) HAHAHA! :)
Samantala, malayong-malayo na kami sa mga kaklase namin. Ang tagal at ang layo pa ata ng pupuntahan namin. Ilang oras na kaya kaming naglalakad? Pare-parehas kaming walang orasan. :)
Ang layo na nilaa!
Ito na ang huling ilog na tatawirin namin. Dito, napawi ang pagod namin nang makita namin ang asong ito. :)) Nag-iisip pa kami paano tatawid ang aso, hindi naman siya kinarga ng amo niya. Pero lumangoy siya sa ilog! :) Tuwang-tuwa kami eh. :) Naunahan pa kaming nagsisitawid sa ilog. :)
Mula sa ilog, isang malawak na lupa ang bumungad samin. Pero, dadaan muna kami sa tanimang ito. Hindi ko alam kung ano ang mga tanim dito, pero mahirap din dumaan. Tumatama sa binti at hita namin ang mga sanga at mga dahon, at mahaba din ang tanimang ito. Nakapagselfie pa kami habang tumatawid. HAHAHA! Pagkatawid namin, medyo nakahinga kami ng malalim at sabay-sabay pang nag-wooooo!
Ang malawak na lupa na ito ay dinala kami sa madulas na daan pababa sa isang maliit na daan, one-way. Ang daan na ito ay saksakan ng dami ng lumot, kaya sobrang dulas din nito. Ingat na ingat kami bumaba, dahil kapag isa ang nadulas, parang domino effect, at dire-diretso kami sa mabatong ilog. Nagulat kami ng kaibigan ko nang madulas ang isa sa mga kaklase ko na asa harap lang namin.
Ganito kasikip ang aming dinaanan. Yung kinatatayuan namin ng kaklase kong babae ay madaming lamok, pero nakuha pa naming mag-picture. :D Ang kaklase ko namang naka-brown, tumungtong na doon sa gilid
na medyo mataas para hindi siya lamukin, pero isang maling hakbang lang niya, sa mabatong ilog ang diretso niya. Delikado ang ginagawa niya, pero nakatawid naman siya. :)
Mabuti na lang at nakakapit siya at nahawakan siya ng isa pa naming kaibigan sa harap niya. Nakabalanse siya sa ulit, saka nagpatuloy sa pagbaba.
At sa wakas! Nakarating na kami sa tatayuan namin ng camp namin. :) Dead end na rin naman na ito, dahil may kweba doon sa unahan. Hindi ko na nakuhaan ang buong lugar, dahil nag-agawan kami sa tubig na ito na nagmula pa sa bundok. :)
Pumwesto na kami at nagsihugas na ng paa. :) Pagkatapos, umupo kami sa isang trunk ng puno na nakatumba na upang magpahinga. Pagod na pagod kaming lahat, pero nakuha pa rin naming magkwentuhan. :) Ang dalawang kaklase kong babae, nagkikiskis ng bato para magkaroon ng apoy, para maluto ang aming ulam.
Pahinga, pero smile pa! :D
Sabi ni Sir, may gagawin pa daw kami pagkatapos kumain. Ano kaya yun? Kain muna kami! :)
Photo courtesy of my classmate :)
KAINAN NA! :)