TuneList - Make your site Live

Tuesday, February 5, 2013

Hi. :)) This is MY 'talumpati' in my Filipino subject. :)) It's in Filipino, and I hope you'll like it. :)) 

(c) Copyright reserved: 2013


MGA LIBRO LABAN SA PELIKULA
                Noong hayskul ako, napapabilang ako sa grupo ng mga taong mahilig sa libro. Araw araw wala kaming kasawaan sa pagkukuwento ng kung anu-ano na tungkol sa mga libro. Grabe din ang aming tuwa kapag ginagawan ng pelikula ang mga librong kinagigiliwan namin. Ngunit kapag napapanood namin ito, nagpapalitan kami lagi ng mga komento kung mas maganda ba ang libro o ang pelikula.
Mula noong nagsimula ang paggawa ng pelikula na hango sa mga libro, dito na rin nagsimula ang pagtatalo ng nakakarami sa atin kung ano ang mas maganda, ang libro ba o ang mga pelikula. Sa mga mahilig magbasa ng libro, mas pinipili nila ang libro dahil dito, kumpleto at buo ang mga detalye ng kwento.  Sa iba naman, mas maganda daw ang panonood ng pelikula dahil nakikita nila ang mga mukha ng mga karakter sa kwento at mas makulay daw ito kumpara sa pagbabasa. Para mas maunawaan natin kung ano ba talaga ang mas maganda, talakayin at ipagkumpara natin ito at saka natin husgahan.
                Ang Harry Potter, Hunger Games, The Lightning Thief-- ay ilan lamang sa mga libro na sumikat at pumatok sa mga bookstore sa buong mundo. Ayon sa mga palabasa ng libro, kakaiba ang kwento ng mga ito at mapapaisip ka talaga sa mga susunod pang kabanata. Para sa kanila, sa libro gumagana ang imahinasyon ng mga mambabasa at marami ka pang matutuhang mga salita na pwedeng makadagdag sa iyong bokabularyo. Isa pa, buo at malinaw ang mga detalye na nakasaad sa libro, walang labis at walang kulang. At habang tumatagal, paganda ng paganda ang kwento at ito ay tatapusin mo talaga hanggang dulo. Ang tatlong ito din ay mga dugtungan, kung kaya’t pwede mo agad bilhin ang kasunod na dugtungan, at maaari mo na ilulong muli ang iyong sarili sa pagbabasa. Ngunit, ang pagbabasa ay matagal kumpara sa panonood, maaari kang umabot ng isang buwan o hindi mo na lang matapos ito, pero nakadepende pa din ito sa bilis ng taong nagbabasa.
                Ang tatlong librong ito ay ginawa ring pelikula dahil sa angking ganda ng mga kwento. Dito na papasok ang mga mahilig sa mga palabas. Ayon naman sa kanila, mas mabilis ang kwento kapag ginawa nang pelikula ang mga ito, at isa hanggang tatlong oras ang tinatagal nito kumpara sa pagbabasa. Maliban doon, ang mga kwentong ito ay binibigyang buhay ng mga bigating artista sa mundo ng pelikula, gaya na lamang ni Logan Lerman at Josh Hutcherson na kinatitilian ng mga babae. Ang isa pa sa mga dahilan nila ay may biswal na at hindi na kailangan pa ng imahinasyon. At ayon din sa kanila, may ‘kilig factor’ daw ang mga ito, dahil kapag nanonood kayo, di maiiwasan ang mga hiyawan sa loob ng sinehan. Ngunit, minsan nakakainis din ang mga pelikulang ito na hinahango mula sa libro dahil iniiba ng direktor ang kwento, o di kaya pinapalitan ang eksena. Halimbawa na lamang sa palabas na Lightning Thief, maraming tinanggal, binago, at pinalitan na eksena sa palabas, kung kaya’t maraming mga tagahanga ang nadismaya pagkatapos ito panoorin. Balita pa nga na ang mismong sumulat ng libro ay hindi pinanood ang palabas. Sa Hunger Games naman, yung mismong awtor ang producer ng libro, at siya rin mismo ay may mga binago. Maganda naman ang kinalabasan ng pelikula, ngunit sa nakakarami, hindi sila nagagalak.
                Dahil sa aking pagkama-usisa, hinanap ko din sa internet kung ano ba talaga ang mas lamang, ang pelikula ba o ang mga libro. Sa site na www.wisegeek.com, sinabi doon na, ‘Why are books better than movies?’ at sa http://cassandrajade@wordpress.com na mas lamang daw ang mga libro. Isinaad doon na kapag nagbabasa ka ng libro, ikaw rin mismo ang magiging direktor, producer, cameraman, stuntmen, waterboy, utility, propsmen, lahat yan, IKAW! Ikaw rin ang makakapag-isip kung gaano kagwapo at kaganda ang bida, at kung gaano ka-chaka ang mga kontrabida. Sa pagbabasa, ang isang tao ay nagiging malikhain. Bottom line, ikaw ang filmmaker, kapares mo ang sumulat ng libro.
                 Nabasa niyo na ba ang akda ni Balagtas na Florante at Laura? Ang akda ni Huseng Sisiw na Ibong Adarna? Ang tanong ko lamang ay kung naintindihan niyo ba ang binasa niyo? Tagalog nga ito, ngunit nakaka-nosebleed na Tagalog. Pero nung pinalabas na ang mga ito sa teatro, naintindihan niyo na hindi ba? At mapapa-“ahhh yun pala yun!” kayo. Isang halimbawa na din dito ang mga akda ni Shakespeare kagaya ng Romeo and Juliet, na kapag binasa mo ay wala ka talagang maiintindihan dahil Old English ang ginagamit dito, ngunit nang ipinalabas na ito, saka lang natin naintindihan. Ito naman ang mga kagandahan ng pelikula na di mo aakalain na kasing gwapo pala ni Leonardo diCaprio ang Romeo na nasa imahinasyon mo. Ang isa pang advantage ng pelikula ay mas madali mong matatandaan ang bawat eksenang napapaloob sa isang pelikula. “Ah oo, siya yung nagsabi ng ‘sakit ah? Kapal kasi ng muka mo!’” (A Secret Affair Movie) Hindi ba?
                Ngunit may mga pagkakataon na nagkakapareho ang libro at ang pelikula. Isang magandang halimbawa dito ang komiks. Dahil habang nagbabasa ka, nakikita mo na ang eksena. Kagaya na lamang ng mga nabasa ko na Slamdunk at Doraemon. Dito, kung anong nabasa mo ay siya ring kilos sa drawing, at siya rin ang mismong eksena sa palabas. Kahit gaano man kalalim ang kanyang litanya, makita mo lang ang drawing, maiintindihan mo na. Katulad ng ‘kapow!’ ‘kaboom’!  na wala naman sa talahanayan, ngunit makita mo lang ang drawing, alam mo na, na may sinuntok o sumabog. Kahit bata, maiintindihan yun.
                (Ngayon) Lahat naman tayo dumaan sa pagkabata na ang mga nakagisnan nating mga kwento nila Snow White na isang prinsesa na kumain ng mansanas, Hansel and Gretel na magkapatid, at Humpty Dumpty na basag na itlog ay binigyan ng panibagong twist. Ang hindi ko lang maintindihan ngayon ay kung bakit kailangan baguhin ang tema ng mga fairy tale. Una, si Snow White na hindi makabasag pinggan, ay natuto nang humawak ng espada. Si Hansel and Gretel ay naging Vampire Hunter. Si Humpty Dumpty naman ay naging kontrabida sa buhay ni Puss and Boots. Nawawala ang orihinal na kwento ng mga ito at nagugulo ang isip ng maraming kabataan sa panahon ngayon. Sa mga susunod na henerasyon, sinong fairy tale karakter naman kaya ang susunod? Ang Seven Dwarfs ay tatangkad na din sa wakas dahil sa magic beans na binigay ni Jack? Ganda no?
                Magkakaiba man ang ating tingin sa mga libro at pelikula, ito ay parehong nakakapagbigay aliw sa atin, bata man o matanda. Iba-iba man ang ating piliin, ito ay parehas na nakakapagbigay kulay sa ating mga buhay. Isa rin itong patunay na ang tao ay may kanya-kanyang interpretasyon sa nabasa o sa napanood nila. Ang tao din ay malikhain, sa paraang pasulat man o pa-pelikula. Wala itong pinagkaiba sa komersyal sa telebisyon na, “gatas na choco, o choco na gatas?” Ganun din ito, ikaw, ano sa palagay mo, libro o pelikula?
                

Saturday, February 2, 2013

Korean Pop!

Korean Pop, also known as K-Pop has influenced me for the past 2 years. Until now, I'm still an avid fan of different k-pop groups. Because of this addiction, I already knew how to write Hangul, speak a few Korean words and eat Korean food. HAHAHA. Well, this addiction also has advantages. When I was in 3rd year high school, my circle of friends got gaga over this. At first we were only four, but this virus spread, and we end up with 23 of us in a group. We all have this 'biases' and we fight over them. HAHAHA. Our bonding became stronger, and we never get tired of hearing the same old story everyday. :D Anyway, to be specific, I love the groups SNSD, Super Junior, Big Bang, Exo, Miss A, Infinite, DBSK, Wondergirls, and 2ne1! :D They are so great. :D

Girls' Generation is my most favorite k-pop group among all these. :D They are all very pretty and talented. They are nine in a group and my favorite is Yuri. :D She looks like a Filipina. :D 



See? :D Recently, they had a concert here in the Philippines, but sadly, I didn't get to watch it. I was too busy doing all the needed requirements. Great. 

This is her latest photo from their latest album, I Got A Boy, and I really love the lyrics of that song (though I don't understand it)! :D 

"AYO GG!" =)) 


On the other hand, my favorite k-pop group is Super Junior. :)) Avid fan since 2010. :)) I really can't forget that day when my friends and I have this k-pop quiz wherein we have to memorize the names and faces of each member. :)) We also did the same to SNSD. :)) Anyway, we chose our bias and I chose:

YESUNG!! <3 He's really cute. :)) ahahaha =)) As you can see, he's really adorable. He has a very amazing voice and I go gaga whenever I hear him sing. :)) Sad to say, he'll start his military service this year. T.T I will never get to see him perform. So sad. I even tried tweeting him on Twitter, but he never replied. T.T Guess he's too busy to reply to millions of tweets from his beloved fans. :D

"Your Eyes". That is my favorite song that he sang with Kyuhyun. :DD I get to memorize this song with a friend and we sing it together like a boss. :)) hahaha =)) 

YESUNG/YURI. \m/