Opportunity comes only once.
But
opportunity will knock again if it is destined for you.
Alas-singko
imedia ng umaga. Naririnig ko na yung alarm ko, pero pakiramdam ko nananaginip
lang ako. Eh hindi pala, oras na talaga para gumising kasi pupunta kami ngayon
ng mga kaklase ko sa isang radio station. =)) Ginising ko na din si Kuya kasi
ihahatid niya ako, baka daw kasi maligaw ako, di ko pa naman gamay ang Quezon
City. Umalis kaagad kami ni Kuya dahil ang appointment namin kay Sir Alan ay
7:00 am. Sa sobrang pagmamadali, di na kami kumain, kaya pagkababa namin
somewhere, nag-Jollibee muna kami. Nabusog talaga ako ng sobra. Nakarating kami
doon ng 6:45. Proud na proud ako dahil dumating ako 20 minutes before the time.
Dapat ganun talaga ang mga journalist, dapat on time. :D Pinapasok naman kami agad nung guard at
naghintay kami doon sa lobby. Dumating naman yung isang kaklase ko ng sakto
7:00, at hinintay naming yung iba hanggang 7:30. Umalis na din si Kuya kasi may
pupuntahan siya at may tatlo na rin akong kasama.
Umakyat
na din kami, at nakita kami ng professor namin na bo-broadcast na. Hello po Sir
Alan Allanigue! :D Tinawag niya kami sa loob at pinapanood naming siya na
mag-on air, LIVE. Nakaagaw pansin sa akin yung malaking tarpaulin sa likod ni
Sir, nakalagay, “RADYO NG BAYAN”. Nakakatuwa kasi nakita namin kung ano ang
ginagawa sa loob ng isang radio station. Mga last 1 minute na ata nun nung
pinasulat sa amin ni Sir yung mga pangalan namin at na-broadcast pa kami sa radio.
Tuwang-tuwa kami at kanya-kanya kaming text sa mga nanay at tatay namin na
na-broadcast kami sa radio.
Pagkatapos
ng newscast ni Sir, kumain muna kami nila Sir at nagkwentuhan. Enjoy na enjoy ako
feeling ko nakikita ko na ang future ko. Pangarap ko kasi talaga ang maging
broadcast journalist, gaya ni Sir. Kaya naman pagkatapos kumain, dinala naman
niya kami sa Master Control at masaya kaming nag-observe doon.
Ang nasa console na noon ay si Mr. Sel Baysa, isang miyembro ng Radyo Patrol team ng ABS-CBN. Iniwan kami doon ni Sir Alan, at kinabahan kaming lahat dahil pagkaalis niya, sabi ni Mr. Sel na iinterbyuhin niya daw kami. Isa-isa. Nagulat kaming lima at kanya-kanya kaming, ‘hala…’ pero naeexcite kami ng sobra! :D
Ang nasa console na noon ay si Mr. Sel Baysa, isang miyembro ng Radyo Patrol team ng ABS-CBN. Iniwan kami doon ni Sir Alan, at kinabahan kaming lahat dahil pagkaalis niya, sabi ni Mr. Sel na iinterbyuhin niya daw kami. Isa-isa. Nagulat kaming lima at kanya-kanya kaming, ‘hala…’ pero naeexcite kami ng sobra! :D
Ako.
Kami. Iinterbyuhin. LIVE. ON AIR. Naririnig ako sa buong Pilipinas. HELLO,
PHILPPINES!
Dapat
talaga maayos ang mga sagot namin dahil nationwide ito! Iisa lang naman ang
tinanong niya sa amin kung ano mas pipiliin namin: maging broadcaster o writer.
Halos lahat sila sabi writer, pero dalawa lang kami ng kaklase ko na nagsabi
maging broadcaster.
Nung
tinanong ako, sabi ko, ‘para po magamit ko ang boses ko’. HAHAHAHA! Nakakahiya!
Okay, bat di ko natandaan na naririnig ako ng buong sambayanang Pilipino!
HAHAHA =)) Exposure sa boses ko. Tapos yung kaklase ko, ang sagot niya, ‘..para
po maipahayag ko sa ating mga kababayan..’ di ko na alam e, napakahaba ng
sinagot niya. Natawa na lang ako. HAHAHA =))
Habang
iniinterbyu ang ibang mga kasama ko, lumilipad na naman yung utak ko.
Naiimagine ko, balang araw, ako na rin ang magiinterbyu sa mga susunod sa yapak
namin.. na minsan akong umupo sa silyang ito.. tapos biglang sisingit sa utak
ko na, “Finals week ngayon.” Okay. Tama na muna ang daydream. Pagkatapos noon,
nagpapicture muna kaming lahat, kasama ang susunod na broadcaster.
Dumiretso
kami sa office ni Sir Alan noon, at binalita ang lahat ng nangyari. Bahagya
siyang natawa dahil narinig niya daw kaming lahat. HAHAHA! Medyo namamasa pa
yung kamay ko mula noong nainterbyu ako.
MAY
NAREALIZE AKO. Nainterbyu na din pala ako ng GMA News, ni Ms. Tricia Zafra
noong papasok ako sa school. Akala ko hindi fresh ang itsura ko dahil
napakainit talaga noon. Nagpaload ako nun sa isang stall at pawis na pawis na
ako. Tinanong ako nung tindera ano daw tinanong sa akin. Basta!
Narealize
ko lang na nainterbyu na ko sa TV, nainterbyu na din ako sa radio. EPIC! :D Exposure
na talaga ito. HAHAHA =))
Anyway,
pagkatapos nun, nagsiuwian na kami at kanya-kanya kaming GM at kanya-kanyang
palit ng cover photo at profile picture sa FB. And, of course, super duper
maraming salamat kay Mr. Alan Allanigue na binigyan kami ng pagkakataon na
makapunta doon :D
Para
sa akin, sobrang nainspire talaga ako, kaya I’ll do my best! :D Pero ngayon,
back to reality muna at focus sa finals! :D
Kaya
natin ‘to! :D