TuneList - Make your site Live

Sunday, September 29, 2013

A VISIT TO THE RADYO NG BAYAN, DZRB =))

               Opportunity comes only once.
               
               But opportunity will knock again if it is destined for you.
                
               Alas-singko imedia ng umaga. Naririnig ko na yung alarm ko, pero pakiramdam ko nananaginip lang ako. Eh hindi pala, oras na talaga para gumising kasi pupunta kami ngayon ng mga kaklase ko sa isang radio station. =)) Ginising ko na din si Kuya kasi ihahatid niya ako, baka daw kasi maligaw ako, di ko pa naman gamay ang Quezon City. Umalis kaagad kami ni Kuya dahil ang appointment namin kay Sir Alan ay 7:00 am. Sa sobrang pagmamadali, di na kami kumain, kaya pagkababa namin somewhere, nag-Jollibee muna kami. Nabusog talaga ako ng sobra. Nakarating kami doon ng 6:45. Proud na proud ako dahil dumating ako 20 minutes before the time. Dapat ganun talaga ang mga journalist, dapat on time.  :D Pinapasok naman kami agad nung guard at naghintay kami doon sa lobby. Dumating naman yung isang kaklase ko ng sakto 7:00, at hinintay naming yung iba hanggang 7:30. Umalis na din si Kuya kasi may pupuntahan siya at may tatlo na rin akong kasama.
                Umakyat na din kami, at nakita kami ng professor namin na bo-broadcast na. Hello po Sir Alan Allanigue! :D Tinawag niya kami sa loob at pinapanood naming siya na mag-on air, LIVE. Nakaagaw pansin sa akin yung malaking tarpaulin sa likod ni Sir, nakalagay, “RADYO NG BAYAN”. Nakakatuwa kasi nakita namin kung ano ang ginagawa sa loob ng isang radio station. Mga last 1 minute na ata nun nung pinasulat sa amin ni Sir yung mga pangalan namin at na-broadcast pa kami sa radio. Tuwang-tuwa kami at kanya-kanya kaming text sa mga nanay at tatay namin na na-broadcast kami sa radio.
                Pagkatapos ng newscast ni Sir, kumain muna kami nila Sir at nagkwentuhan. Enjoy na enjoy ako feeling ko nakikita ko na ang future ko. Pangarap ko kasi talaga ang maging broadcast journalist, gaya ni Sir. Kaya naman pagkatapos kumain, dinala naman niya kami sa Master Control at masaya kaming nag-observe doon. 
               
Ang nasa console na noon ay si Mr. Sel Baysa, isang miyembro ng Radyo Patrol team ng ABS-CBN. Iniwan kami doon ni Sir Alan, at kinabahan kaming lahat dahil pagkaalis niya, sabi ni Mr. Sel na iinterbyuhin niya daw kami. Isa-isa. Nagulat kaming lima at kanya-kanya kaming, ‘hala…’ pero naeexcite kami ng sobra! :D
                Ako. Kami. Iinterbyuhin. LIVE. ON AIR. Naririnig ako sa buong Pilipinas. HELLO, PHILPPINES!
                Dapat talaga maayos ang mga sagot namin dahil nationwide ito! Iisa lang naman ang tinanong niya sa amin kung ano mas pipiliin namin: maging broadcaster o writer. Halos lahat sila sabi writer, pero dalawa lang kami ng kaklase ko na nagsabi maging broadcaster.
                Nung tinanong ako, sabi ko, ‘para po magamit ko ang boses ko’. HAHAHAHA! Nakakahiya! Okay, bat di ko natandaan na naririnig ako ng buong sambayanang Pilipino! HAHAHA =)) Exposure sa boses ko. Tapos yung kaklase ko, ang sagot niya, ‘..para po maipahayag ko sa ating mga kababayan..’ di ko na alam e, napakahaba ng sinagot niya. Natawa na lang ako. HAHAHA =))

                Habang iniinterbyu ang ibang mga kasama ko, lumilipad na naman yung utak ko. Naiimagine ko, balang araw, ako na rin ang magiinterbyu sa mga susunod sa yapak namin.. na minsan akong umupo sa silyang ito.. tapos biglang sisingit sa utak ko na, “Finals week ngayon.” Okay. Tama na muna ang daydream. Pagkatapos noon, nagpapicture muna kaming lahat, kasama ang susunod na broadcaster.
                Dumiretso kami sa office ni Sir Alan noon, at binalita ang lahat ng nangyari. Bahagya siyang natawa dahil narinig niya daw kaming lahat. HAHAHA! Medyo namamasa pa yung kamay ko mula noong nainterbyu ako.
                MAY NAREALIZE AKO. Nainterbyu na din pala ako ng GMA News, ni Ms. Tricia Zafra noong papasok ako sa school. Akala ko hindi fresh ang itsura ko dahil napakainit talaga noon. Nagpaload ako nun sa isang stall at pawis na pawis na ako. Tinanong ako nung tindera ano daw tinanong sa akin. Basta!
                Narealize ko lang na nainterbyu na ko sa TV, nainterbyu na din ako sa radio. EPIC! :D Exposure na talaga ito. HAHAHA =))
                Anyway, pagkatapos nun, nagsiuwian na kami at kanya-kanya kaming GM at kanya-kanyang palit ng cover photo at profile picture sa FB. And, of course, super duper maraming salamat kay Mr. Alan Allanigue na binigyan kami ng pagkakataon na makapunta doon :D
                Para sa akin, sobrang nainspire talaga ako, kaya I’ll do my best! :D Pero ngayon, back to reality muna at focus sa finals! :D

                Kaya natin ‘to! :D 

No comments:

Post a Comment