TuneList - Make your site Live

Sunday, October 30, 2016

12MN


Alas dose
NLM

Dakong alas dose ng hatinggabi
Ako'y nagkubli
Dahil hindi mapakali
Nangangamba sa bawat sandali

Sa dilim, narinig ko
Sa dulo ng aking kwarto
"Tulungan mo ako"
Sino ba iyong naririnig ko?

Nagtaklob ako ng kumot
Dahil sa takot
Katawan ko'y nanlalambot
Paulit-ulit, nakakayamot

"Tulungan mo ako"
Tumatayo na ang balahibo ko
Lubayan mo ako
Bumalik ka sa pinanggalingan mo

Nawala ang bulong
At paghingi ng tulong
Pero ako pa rin ay nagkulong
Sa loob ng kumot at nakikiramdam sa bulong

Umalis ako sa aking pagkubli
Ngunit ako'y nagkamali
Dahil siya'y nasa aking tabi at ako'y napatili 
Dakong alas dose ng hatinggabi. 

#MidnightPoetry 

No comments:

Post a Comment